Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2018

Ekonomiya ng Pilipinas

Imahe
Uunlad ang Bayan Ko, Hindi Susuko ni Angel Ann M. Abanto                    Tumataas ang porsyento ng Gross Development Product o ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Ayon sa National Economic Development Authority, tumaas ng 6.5% ang GDP sa ikalawang bahagi ng taong 2017. Ito ang nag-udyok upang mapabilang tayo sa mga bansang mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya sa Asya. Sa pamamagitan ng investments sa mga imprastraktura at social protection hinahangad ng bansa ang pagkakaroon ng tiyak na maayos na pamumuhay ng mga Pilipino. www.google.com/search?q=ekonomiya+animated&source=&biw=1366&bih=650&dpr=1                           Ito ang mga uri ng balita na hinahangad ko marinig sa araw-araw. Ito ang balitang hindi nabibigyan atensyon dahil natatabunan ng mga balita tungkol sa mga napatay at namatay. Hindi naman ito kadalasang nabibigyang-pansin.

Dinastiyang Politikal sa Pilipinas

Imahe
Tumayo kaysa Umupo ni Angel Ann M. Abanto                 Ayon sa kanta ni Gloc 9, "Kayong mga nakaupo, subukan niyo namang tumayo at baka madama ninyo ang tunay na kalagayan ko."  https://www.google.com.ph/search?q=aquino+political+dynasty+animated&source=_AUICigB&biw=1366&bih=650#imgrc=mbuEsZHIbE3hjM:&spf=1521317312648        Nakasaad sa Artikulo II, Seksyon 26 ng konstitusyon ng Pilipinas, “ The State shall guarantee equal access to public service and prohibit political dynasty as may be defined by law .” Sa kabila nito, at ng Anti-Political Dynasty Bill hindi pa rin maipatupad ang pagpapahinto sa pagtakbo ng mga magkakapamilya tuwing halalan. Isang halimbawa nito sina President Noynoy Aquino, President Cory Aquino, Senator Ninoy Aquino , Senator Bam Aquino at mga Cojuangco. Nagsalita na rin naman ang kasalukuyang Pangulong Duterte tungkol dito. Hindi siya sumasang-ayon dito dahil lilimitahan lamang daw nito ang pagpipilian ng mga mamamaya

Istraktura ng mga Pamilya sa Pilipinas

Imahe
Kapit-bisig ni Angel Ann M. Abanto                 Isa. Indibidwal lamang tayo nang isilang sa mundo. Kaagapay ang pamilya natin na siyang umaruga at unang humubog sa pagkatao natin. Dalawa. Magsisimula tayong makakilala ng mga taong magiging kaagapay din natin. Kaibigan, kasintahan hanggang sa mauwi sa kasalan. Tatlo. Darating tayo sa punto na magsisimula ng sarili nating mga pamilya, kung saan walang kasiguraduhan kung ano ang magiging istraktura. Apat, lima, anim, pito maski humigit pa. Maaari ring huwag kang humiwalay kapag bumuo ng sariling pamilya, magsasama-sama ang lahat at magiging isang malaking pamilya.                 Bukod sa napakaraming uri ng pamilya, mayroong dalawa na pinakakilala. Ito ang nuclear, binubuo ng magulang at mga anak lamang at extended na uri kung saan maaaring kasama ninyo ang iyong mga lolo,lola,tita at tito. Ayon sa pag-aaral ng World Family Map noong 2015, ang nuclear na uri ng pamilya talaga ang mayroon sa buong Asya at Middle East.

Panlipunang Kilusan para sa Pagbabago ng Lipunan

#WalkOutPH: Ang Pagkakaisa ng mga Kabataan ng Pilipinas   ni Jade Amber Abog “We studied, we fought, and we killed for a notion of a nation we know get to build.”                Ang mga estudyante na galing sa iba’t-ibang institusyon ng pag-aaral ay sumapi sa Walk Out noong ika-23 ng Pebrero, at nakiisa sa mga protesta sa buong bansa. Ayon sa Manila Police District na hindi bababa sa 200 na protestante ay nakiisa sa isinagawang Walk Out na may mga placard at mga banner na nagpapahiwatig ng kanilang pagkamuhi sa hindi pagkakapantay-pantay at ang kakulangan ng karapatan, kalayaan, at demokrasya. Ang Walk Out ay nagsimula noong Biyernes ng hapon, mula sa mga mga akademikong indibidwal na nagmamartsa sa Morayta papuntang Mendiola, Manila at ang pagkasapi nila sa protesta gamit ang makabagong teknolohiya, gamit ang hashtag na #WalkOutPH.                 Ang kilusan na ito ay nagpapahiwatig ng mga pagkukulang ng mga Pilipino sa bansa upang gumanda ang kinabukasan nito ng

Karanasan ng mga Pilipino sa hindi makatarungang lipunan

Respeto: Ang Inaasam na Pagkakapantay ng mga Tingin  ni Jade Amber Abog “We hold these truths to be self-evident, that all men are created equal.”                 Sa simula palang ng taong 2018 ay mayroong mga taong nagsagawa ng mga kilusan na nagtataguyod ng pagpantay-pantay na pagtingin sa mga indibidwal – babae, lalaki, ibang kasarian, puti, kayumanggi, asyano, mahirap, at iba. Tulad ng ibang bansa, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang hindi pa nalulutas ang suliranin na ito, ngunit hindi dahil sa hindi ito nagagawan ng paraan ngunit hindi tumutugma ang paraan na iyon sa suliranin. Ang paghiling sa pantay na pagtingin ng iba sa mga indibidwal dahil sa kanilang lahi, kulay, o kasarian ay hindi malulutas dahil hindi sa tamang paglapit o pakikitungo sa problema na iyon.                 Tulad ng mga kilusan kagaya ng #TIMESUP, LGBTQ Community, AM Equality, at iba pa, ang mga ito ay humihingi ng lugar sa mundo para makaramdam ng kaligayahan at magawa ang kanilang papel na gina

Mga Serbisyong Pangkalusugan

Imahe
Reyalidad ni   Jamaica Y. Ambat   Doktor ka ba? Bakit ikaw ay nawawala? Nurse ka ba sa pambublikong ospital? Bakit wala ka ring pagpapahalaga? Ang suplada mo pa. Sadyang ganoon nga ba o ganoon lang talaga sila? Ako’y kawani ng gobyerno Tungkulin ko ang maglingkod ng tapat at mahusay, Dahil dito, Ako’y papasok ng maaga at magtatrabaho Nang lampas sa takdang oras kung kinakailangan; Magsisilbi ako ng magalang at mabilis Sa lahat ng nangangailangan; Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan At iba pang pag-aari ng pamahalaan; Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko Sa mga lumalapit sa aming tanggapan Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala; Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan Sa sarili kong kapakanan Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol Sisikapin ong madagdagan ang aking talino at kakayahan Upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas Sapagkat ako’y kawani ng gobyerno At tungkul

Iba't ibang relihiyon

Religion: The Philippines Constitution Right ni  Chimie Blanche G. Cangco                 “The right to practice one’s religion”   Talaga bang na iimplementa sa mga mamayan ng pilipinas?                   Ang relihiyon ay kadalasang binibigyang depinisyon bilang pag bibigay ng serbisyo sa isang Diyos, sa maraming Diyos o kaya sa bagay na sinasamba nila at Diyos- Diyosan. Ang relihiyon ay kalimitang nakakaapekto sa ilang desisyon na binibigay ng ating pamahalaan at minsan rin naman ang nakakaapekto sa paniniwala ng mga tao sa estado. Ito ay may impluwensya sa ating mamayan dahil kadalasang nirerespeto ng mga tagapaniwala ang ideya na binibigay ng kanilang relihiyon , halimbawa nito ay maaring maipanalo ng isang relihiyon at isang kandidato na tumakbo o kaya pabagsakin, isa lamang ito sa mga epekto ng relihiyon. Katolisismo ang pinakamaraming ang relihiyon sa ating bansa kaya ang resulta nito ay maraming mga mamayang pilipino ay pinili ang demokratikong pamamahala sa ati

Sistema ng Edukasyon

GREAT SOCIAL EQUALIZER ni  Jamaica Y. Ambat                     Araw-araw, libo-libong mga paa ang sabay-sabay na naglalakad. Bawat yapak, bawat hakbang, tiyak at walang pag-aalinlangan. Malawak, makitid, pataas, pababa, patag, o baku-bako man. Bawat pares ng mga paa ay handang tahakin ang alinmang daan patungo sa karunungan. Bawat yapak, bawat hakbang, papunta nga ba sa inaasam na patutunguhan? P ero paano nalang kung may mga hadlang?   O maligaw sa sangangdaan ng mga kakulangan?   Ang edukasyon ay isang walang humpay na paglalakbay.                   Nakakakuba ang mga libro ng mga bata sa elementarya dahil sa bigat ng mga ito na kailangang dalhin araw-araw. Bawat katapusan ng tsapter kada libro ay may mga tanong batay sa mga napag-aralan. Kung ako ang tatanungin mas angkop na tawaging “workbook” ang mga ito. Pero, may magandang layunin ba ang pagbago sa porma ng mga textbook? May magandang layunin-para pagkakitaan ng mga tiwaling opisyal na nakipagsabwat