Karanasan ng mga Pilipino sa hindi makatarungang lipunan

Respeto: Ang Inaasam na Pagkakapantay ng mga Tingin

 ni Jade Amber Abog

“We hold these truths to be self-evident, that all men are created equal.”

                Sa simula palang ng taong 2018 ay mayroong mga taong nagsagawa ng mga kilusan na nagtataguyod ng pagpantay-pantay na pagtingin sa mga indibidwal – babae, lalaki, ibang kasarian, puti, kayumanggi, asyano, mahirap, at iba. Tulad ng ibang bansa, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang hindi pa nalulutas ang suliranin na ito, ngunit hindi dahil sa hindi ito nagagawan ng paraan ngunit hindi tumutugma ang paraan na iyon sa suliranin. Ang paghiling sa pantay na pagtingin ng iba sa mga indibidwal dahil sa kanilang lahi, kulay, o kasarian ay hindi malulutas dahil hindi sa tamang paglapit o pakikitungo sa problema na iyon.

                Tulad ng mga kilusan kagaya ng #TIMESUP, LGBTQ Community, AM Equality, at iba pa, ang mga ito ay humihingi ng lugar sa mundo para makaramdam ng kaligayahan at magawa ang kanilang papel na ginagampanan sa mundo. Ngunit, ang inaasam na maayos na pakikitungo sa mga hindi tinatanggap ng lipunan ay hindi pa matatanggap dahil sa isang aspekto ng pakikipag-usap at pakikipa-ugnayan ay hindi na-eensayo ng mga ito.

                Sa panahon ngayon, hindi nakakatulong ang paglutas ng mga isyung panlipunan gamit ang dahas, hindi makakatulong ang pananahimik lamang, hindi makakatulong kung hindi aalamin ang mga problema sa bansa at mundong ikinagagalawan. Tulad dati, nakilala ang Pilipinas dahil sa kanilang kagalingan at kagandahan ngunit dati’y hindi ito dahil sa malayang kalooban, kundi sa takot. Ang pagtanggap sa mga taong “naiiba” ay hindi binabayaran ngunit dapat ay paghirapan, hindi madali ngunit masisiyahan sa huli, hindi tinatakot pero NIRERESPETO.

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Serbisyong Pangkalusugan

Iba't ibang relihiyon

Ebolusyon ng Kulturang Pilipino