Ekonomiya ng Pilipinas

Uunlad ang Bayan Ko, Hindi Susuko
ni Angel Ann M. Abanto

                   Tumataas ang porsyento ng Gross Development Product o ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Ayon sa National Economic Development Authority, tumaas ng 6.5% ang GDP sa ikalawang bahagi ng taong 2017. Ito ang nag-udyok upang mapabilang tayo sa mga bansang mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya sa Asya. Sa pamamagitan ng investments sa mga imprastraktura at social protection hinahangad ng bansa ang pagkakaroon ng tiyak na maayos na pamumuhay ng mga Pilipino.
www.google.com/search?q=ekonomiya+animated&source=&biw=1366&bih=650&dpr=1
                         Ito ang mga uri ng balita na hinahangad ko marinig sa araw-araw. Ito ang balitang hindi nabibigyan atensyon dahil natatabunan ng mga balita tungkol sa mga napatay at namatay. Hindi naman ito kadalasang nabibigyang-pansin. Lalo na kung manipulado ang istasyon na pinapanood ng mga tao. Mayroon pa bang totoo sa telebisyon? Kayang-kaya nila ipakita kung ano ang mga nais nilang maging dating ng isang bagay sa mata ng mga manonood.
                    Hindi biro ang pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa at upang malaman pa na itinuturing na tayo na mabilis ang pag-unlad, bakit hindi natin ipagdiwang ang ganitong uri ng balita. Saan ka man magpunta, lalo pa't kung Anti-Duterte ang makakasama mo, paulit-ulit lang naman ang maririnig mo. Phase-out ng jeep, Martial Law ni Marcos, Extra Judicial Killings, ano pa ba? Hindi ba pwede na, "Tumataas ang bilang ng mga napapatay sa EJK, umuunlad din naman ang ekonomiya natin."?  Nakakasawa rin minsan makarinig ng puro negatibo kahit na alam natin na posible naman magkaroon ng positibo.
                         Sa kabilang banda, paano kung hindi rin pala ito ganoon kaunlad. Sinasabi na ang ekonomiya ay hindi naman talaga mabuti pa dahil marami ang naghihirap gawa ng hindi pantay na pagpapasahod ng mga pribadong kompanya. Umangat lamang ang ekonomiya noong 2017 dahil sa mga sector ng serbisyo gaya ng industriya ng telekomunikasyon, real estates na suportado ng mga perang pinapadala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas, semikundoktor at higit sa lahat ay ang pag-usbong ng mga Business Processing Outsourcing (BPO).
                        Mahirap malaman kung ano ang totoo sa hindi, kagaya ng pag-alam sa dahilan kung bakit kailangan mo pa kumapit sa isang bagay kung saan ikaw ay tila na lang nakasabit. Gayunpaman, tiwala ako sa gobyerno at inaalam ko ang mga balita tungkol dito ngunit wala akong pinapanigan at pinaniniwalaan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Serbisyong Pangkalusugan

Iba't ibang relihiyon

Ebolusyon ng Kulturang Pilipino