Iba't ibang relihiyon
Religion: The Philippines Constitution
Right
ni Chimie Blanche G. Cangco
“The
right to practice one’s religion” Talaga
bang na iimplementa sa mga mamayan ng pilipinas?
Ang relihiyon ay kadalasang binibigyang
depinisyon bilang pag bibigay ng serbisyo sa isang Diyos, sa maraming Diyos o kaya
sa bagay na sinasamba nila at Diyos- Diyosan. Ang relihiyon ay kalimitang
nakakaapekto sa ilang desisyon na binibigay ng ating pamahalaan at minsan rin
naman ang nakakaapekto sa paniniwala ng mga tao sa estado. Ito ay may
impluwensya sa ating mamayan dahil kadalasang nirerespeto ng mga tagapaniwala ang
ideya na binibigay ng kanilang relihiyon , halimbawa nito ay maaring maipanalo
ng isang relihiyon at isang kandidato na tumakbo o kaya pabagsakin, isa lamang
ito sa mga epekto ng relihiyon. Katolisismo ang pinakamaraming ang relihiyon sa
ating bansa kaya ang resulta nito ay maraming mga mamayang pilipino ay pinili
ang demokratikong pamamahala sa ating pamahalaan.
Ang
konstitusyong pilipinas ay nag tatag ng batas na sumusuporta sa karapatan ng
relihiyon. Ang tanong , totoo bang naiimplenta ito sa ating bansa at
naipapasunod ng ating pamahalaan sa kanilang na sasakupan?
Bilang
isang bansang kristiyano, halos lahat ng eskwelahan ay mga catholic schools.
Pero bakit tila ang ibang eskwelahan ay pinipilit ang kanilang mga estudyanteng
umattend ng mass kahit hindi sila katoliko? Ayon sa 1987 Kontistusyon ng Pilipinas
artikulo III Seksyon 5 “the right to practice one’s religion” at ang ganoong
sistema ay navaviolate ang karapatang iyon. Kadalasang ginagamit na plataporma
ng nga tumatakbong studeng council ang relihiyon. Sinasabi nila na maglalaan
sila ng araw kung saan lahat ay kailangang umattend ng mass at
pagsasama-samahin ang mga magkakarelihiyon. Kadalasan nilang rason ay para daw
ma-develop ang spiritual being ng mga estudyante at guro. Meron ding ibang
eskwelahan na hindi tumatanggap ng mga enrollees na hindi nila karelihiyon.
Sa
aking pananaw, maari pa rin madevelop ang ispiritwalidad ng isang tao kahit sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng personal na oras sa Panginoon. Ang karapatang ito
ay hindi masyadong nabibigyang pansin ng mga ibang eskwelahan at tila ba sila’y
manhid patungkol sa isyu na ito o wala silang alam ukol sa karapatang ito.
Dapat ay bigyan ito ng kahalagahan hindi lamang ng mga eskwelahan pati na ang
gobyerno. Dapat nating irespeto ang isang tao kahit ano pa man ang relihiyong
kinabibilangan nila. Hindi dapat pinipilit ang mga estudyante o guro na hindi
kabilang sa relihiyong pinapairal ng eskwelahan na umattend ng mga mass na
idinaraos sa loob ng eskwelahan dahil dito nava-violate ang karapatan ng taong
i-practice ang kanyang relihiyon at paniniwala. Bilang isang mamamayan, dapat
ay meron tayong sapat na kaalaman sa karapatang ito at bigyang pansin ang mga
isyung nakapaloob dito para maiwasan nating matapakan ang paniniwala at
karapatan ng isang tao.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento