Sistema ng Edukasyon

GREAT SOCIAL EQUALIZER
ni  Jamaica Y. Ambat

 

                  Araw-araw, libo-libong mga paa ang sabay-sabay na naglalakad. Bawat yapak, bawat hakbang, tiyak at walang pag-aalinlangan. Malawak, makitid, pataas, pababa, patag, o baku-bako man.
Bawat pares ng mga paa ay handang tahakin ang alinmang daan patungo sa karunungan.
Bawat yapak, bawat hakbang, papunta nga ba sa inaasam na patutunguhan?
Pero paano nalang kung may mga hadlang? 
O maligaw sa sangangdaan ng mga kakulangan?

 Ang edukasyon ay isang walang humpay na paglalakbay.

                  Nakakakuba ang mga libro ng mga bata sa elementarya dahil sa bigat ng mga ito na kailangang dalhin araw-araw. Bawat katapusan ng tsapter kada libro ay may mga tanong batay sa mga napag-aralan. Kung ako ang tatanungin mas angkop na tawaging “workbook” ang mga ito. Pero, may magandang layunin ba ang pagbago sa porma ng mga textbook? May magandang layunin-para pagkakitaan ng mga tiwaling opisyal na nakipagsabwatan sa mga suppliers. Pati ang mga junk shop na malapit sa mga eskwelahan ay kumikita dahil ang mga librong ito na hindi na mapapakinabangan sa bawat katapusan ng mga tsapter ay hahakutin sa kanila para ibenta per kilo.

                  Dati, ang mga magulang ng mga bata na magkakasunod ang pagtuntong sa mga antas o grado ay nakakatipid dahil namamana ng mga nakababatang kapatid nila ang mga libro. Mga librong nagamit na ng mga nakatatanda basta pag-ingatan lang. Ngayon, hindi. Obligado silang bumili ng mga libro o magbayad sa mga eskwelahan na siya na ring nagbebenta ng mga ito tuwing pasukan. Maraming librong ginagamit ngayon sa elementary kaya, sa halip na may matutunan ang mga bata, lalo lang nagdudulot ng kalituhan kaya wala ring sibi. Ibig sabihin, hindi makatotohanan ang sistema.

                    Bakit hindi tanggapin ang katotohanang ang mga magulang ang gumagawa ng mga takdang aralin ng mga anak nila? Pati na mga project? Kung ang inaasahan ng mga guro ay “follow-up instruction” itong maituturing, mali sila. Kadalasan, habang nagtutuluan ang ganggamunggong pawis ng nanay sa pagsagot ng mga tanong sa takdang aralin at paggawa ng project, ang kanilang mga anak naman ay nagko-kyomputer o ‘di kaya ay nanonood ng TV.  

                    Ang dagdag kalbaryo sa mga bata at mga magulang ay ang karagdagang antas na kailangang tungtungan ng mga estudyante pagkatapos ng Grade Six. Hindi pinakinggan ang reklamo ng mga guro na siya ring apektado, na hindi nakahanda ang sistema ng edukasyon.

                   Una, kulang ang mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan. Pangalawa, walang nakahandang kurikulum o “module.” May mga kamag-aral ako dati noong hayskul pa ako na tinuturuan ng kanyang nanay na mag-manicure at mag-pedicure, magamit lang ang panahon na ginugol nila sa paaralan.

                    Sa aking palagay, ang kailangan ay kagalingan sa pagtuturo na makakamit kung may mga programa sa pagpapakadalubhasa ng mga guro at may kaakibat na suporta ng sapat na budget, hindi dagdag na antas. Nakakalungkot lang isipin na upang madagdagan ang kaalaman, may mga guro na para lang makadalo sa mga training o seminar o makabili ng mga libro, ay ginagamit nila ang sarili nilang pera.

                     Hindi maasahan ang  budget ng mga eskwelahan dahil kadalasan, pambili nga ng chalk ay inaabunuhan pa ng mga guro. Upang makabili ng mga walis at iba pang gamit panlinis na madalas pag-ambagan ng mga estudyante at magulang.

                      Dahil sa kagustuhan ng ibang guro na tumulong at magturo sa mga bata sa liblib na lugar ng Pilipinas kahit na sinasabi ng Kagawaran ng Edukasyon na hindi raw sila “credited” ay patuloy pa rin sila sa kanilang pagtuturo. Sa iba pang liblib na lugar, may mga paaralang butas-butas na ang bubong na halos wala nang dingding. Mayroon rin na akala mo ay Tower of Pisa ang porma dahil hindi diretso ang tayo, gawa ng mga bagyo na nagdaan sa ating bansa.

                      Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit mahina ang pundasyong edukasyonal ng mga kabataan? Mga kahinaang madadala nila sa paglaki nila at maging bahagi ng lipunan. May mga matatalinong bata, ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataong ito ay malinang sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-aaral. Ang dahilan ay kakapusan sa pera ng pamilya nila , wala silang magawa kung hindi ang tumigil sa pag-aaral.

                       Ang mga kabataang nakakapag-aral sa malalaking bayan at siyudad, bihira lang sa kanila ang nakikitaan ng pagkaseryoso sa pag-aaral dahil sa mga nakakalat na computer shops na ang iba ay halos dipa lang ang layo sa mga paaralan. May mga batas na nagbabawal sa pagtatayo ng mga shops na ito malapit sa mga paaralan, ngunit ano ang ginagawa ng mga lokal na opisyal? Wala. Hindi nga nila maipasara ang mga bilyaran ar beerhouses na animo ay kapitbahay lang ng mga paaralan sa Lungsod ng Caloocan, computer shops pa kaya?

                      Sana, bago maging huli ang lahat, ay mabigyan ng kaayusan ang kasalukuyang sistema sa edukasyon at pagtuturo na siyang inaasahan huhubog sa kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan.
 
 
 
 
 

Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas
ni Arwyne Jan A.Casao

 
                  Ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay pinamamahalaan ng departamento ng edukasyon ng Pilipinas. Kinokontrol nito ang pangkalahatang pagpapatakbo ng mga paaralan at kolehiyo sa Pilipinas at kinokontrol ang kurikulum sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Nagbibigay din ito ng mga bagay tulad ng kung paano dapat bayaran ang mga guro at kung anong mga kwalipikasyon ang dapat nilang makuha. Ang aking sequence na sanaysay ay batay sa edukasyon ng isang taong ipinanganak sa Pilipinas.
 
                Nakamit ng bansa ang kalayaan noong 1946, kaya bago ang panahong iyon ay mga kapangyarihang kolonyal na kinokontrol na edukasyon. Ang mga kolonyal na kapangyarihan ay nagmula sa USA at Espanya. Ang sistema ng edukasyon ay nagbago nang malaki dahil ang bansa ay nakakamit ng kalayaan. Mayroong anim na taon ng sapilitang elementarya. Nagsisimula ito sa paligid ng edad na anim at napupunta hanggang sa edad na 12. Ang petsa na nagsisimula ang mga klase ay pareho sa buong bansa, bagaman ang ilang mga pista opisyal ay nag-iiba. Gayunpaman, dapat magsimula ang kurikulum sa lahat ng mga paaralan sa parehong oras. Marahil ito ay dahil nangangahulugan ito ng anumang mga eksaminasyon nangyayari sa parehong oras sa buong bansa. Bilang isang kabataan, kinakailangang simulan ang pag-aaral sa edad na anim at patuloy na nagtatrabaho hanggang sa maabot mo ang edad na 12. Sa edad na iyon, maaari kang manatili sa iyong kasalukuyang paaralan para sa edukasyon sa Mataas na Paaralan, o maaari mong kailangang lumipat sa ibang paaralan upang makuha ang iyong mataas na paaralan na edukasyon.

                Apat na taong pag-aaral sa Mataas na Paaralan na nagsisimula sa edad na 12. Ang kasalukuyang sistema ay nagtatanong na ang mga mag-aaral ay magsimulang mag-aral sa edad na anim at nagtatrabaho para sa sampung taon, nagtatapos sa paaralan sa edad na 16. Ito ay nagbabago at sa taon 2017 o 2018 may mga bagong alituntunin na nagsasabi na ang isang bata ay dapat tumanggap ng 12 taon ng pag-aaral kumpara sa 10 taon. Kahit na ito ay hindi malinaw kung ito ay nangangahulugan na mag-aaral pag-aaral hanggang sa edad na 18yrs, o kung sila ay nagsisimula sa paaralan sa 4yrs sa halip ng 6yrs. Malamang na ang mga mag-aaral ay kailangang magsimula ng paaralan sa isang mas bata na edad. Ang bawat estudyante ay kailangang kumpletuhin ang 200-araw na kalendaryo ng paaralan sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Totoo rin ito para sa mas bata na mga mag-aaral. Maaari kang dumalo sa mga teknikal na paaralan, bokasyonal na paaralan o mga institusyong mas mataas sa edukasyon tulad ng mga Unibersidad. Sa edad na 16, kung mayroon kang sapat na kakayahan sa panahon ng iyong pag-aaral sa Mataas na Paaralan, maaari kang magsimulang magtrabaho sa mas mataas na edukasyon, bokasyonal o teknikal na paaralan, ngunit kailangan mo munang tanggapin muna ito. Ang mga kurso ay tatagal sa pagitan ng isang taon at hanggang sa hanggang pitong taon.
                Ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay hindi isang masama. Mayroon itong maraming pagkakataon para sa mga mag-aaral na makakuha ng edukasyon. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay pareho para sa lahat ng mag-aaral at iniutos ng batas. Ang batas ay nagpapahiwatig din kung gaano karaming mga araw at taon ang gumugol ng isang bata sa paaralan, na may kasalukuyang 12 taon na may 200 araw bawat taon sa paaralan.
 


 
 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Serbisyong Pangkalusugan

Iba't ibang relihiyon

Ebolusyon ng Kulturang Pilipino