Dinastiyang Politikal sa Pilipinas


Tumayo kaysa Umupo
ni Angel Ann M. Abanto

                Ayon sa kanta ni Gloc 9, "Kayong mga nakaupo, subukan niyo namang tumayo at baka madama ninyo ang tunay na kalagayan ko."


https://www.google.com.ph/search?q=aquino+political+dynasty+animated&source=_AUICigB&biw=1366&bih=650#imgrc=mbuEsZHIbE3hjM:&spf=1521317312648
       Nakasaad sa Artikulo II, Seksyon 26 ng konstitusyon ng Pilipinas, “The State shall guarantee equal access to public service and prohibit political dynasty as may be defined by law.” Sa kabila nito, at ng Anti-Political Dynasty Bill hindi pa rin maipatupad ang pagpapahinto sa pagtakbo ng mga magkakapamilya tuwing halalan. Isang halimbawa nito sina President Noynoy Aquino, President Cory Aquino, Senator Ninoy Aquino , Senator Bam Aquino at mga Cojuangco. Nagsalita na rin naman ang kasalukuyang Pangulong Duterte tungkol dito. Hindi siya sumasang-ayon dito dahil lilimitahan lamang daw nito ang pagpipilian ng mga mamamayan ng Pilipinas magiging magaling na lider. Hindi rin naman maikakatwa na ang pamilya nila ay puro nasa gobyerno rin.

          Sa aking palagay, ayos lang na hindi maipatupad dahil sa kabila ng lahat ng ito, kung hindi magiging matalino sa pagboto ang mga tao at patuloy na magpapabulag sa mga perang suhol, hindi rin naman uunlad ang Pilipinas. Walang problema kung magkakapamilya ang nagpapatakbo sa mga organisasyon dahil tao pa rin ang bumoto. Tao ang bumoboto, tao ang nagrereklamo, tao ang humihingi ng pasensya, tao ang nagpapasalamat. May mga pamilya naman talaga na puro lider. May punto si Pangulong Duterte. Kung kurakot man ang naihalal ng mamamayan, isang malaking pagkakamali ito at malaking kasalanan sa lupang sinilangan.

          Kailangan natin maging matalino at unahin ang pag-iisip sa sarili natin at sa bansa. Bago tayo mabulag ng pansamantalang pantawid gutom, isipin natin kung hanggang kailan pa ba tayo magugutom at patuloy na gugutumin. Hindi madaling alamin kung sino ang nararapat iboto pero mayroon kang sapat na panahon bago ibigay ang tiwala mo sa kandidatong nakangiti lang sa harapan mo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Serbisyong Pangkalusugan

Iba't ibang relihiyon

Ebolusyon ng Kulturang Pilipino