Mga Serbisyong Pangkalusugan
Reyalidad
ni Jamaica Y. Ambat
Programang Inilaan para sa kahalagahan ng kalusugan
ni Patricia Erika B. Bagacay
ni Jamaica Y. Ambat
Doktor ka ba? Bakit ikaw ay nawawala?
Nurse ka ba sa pambublikong ospital? Bakit
wala ka ring pagpapahalaga? Ang suplada mo pa.
Sadyang ganoon nga ba o ganoon lang
talaga sila?
Ako’y kawani ng
gobyerno
Tungkulin ko ang
maglingkod ng tapat at mahusay,
Dahil dito,
Ako’y papasok ng
maaga at magtatrabaho
Nang lampas sa
takdang oras kung kinakailangan;
Magsisilbi ako ng
magalang at mabilis
Sa lahat ng
nangangailangan;
Pangangalagaan ko
ang mga gamit, kasangkapan
At iba pang
pag-aari ng pamahalaan;
Magiging pantay at
makatarungan ang pakikitungo ko
Sa mga lumalapit
sa aming tanggapan
Magsasalita ako
laban sa katiwalian at pagsasamantala;
Hindi ko gagamitin
ang aking panunungkulan
Sa sarili kong
kapakanan
Hindi ako hihingi
o tatanggap ng suhol
Sisikapin ong
madagdagan ang aking talino at kakayahan
Upang ang antas ng
paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas
Sapagkat ako’y
kawani ng gobyerno
At tungkulin ko
ang maglingkod nang tapat
At mahusay sa
bayan ko at sa panahong ito;
Ako at ang aking
kapwang kawani
Ay kailangan tungo
sa isang maunlad,
Masagana at
mapayapang Pilipinas,
Sa harap niyong
lahat;
Ako’y taos pusong
nanunumpa.
Ito
ay mga linya lamang naman sa panunumpa ng isang kawani ng gobyerno. Naalala ko
lang naman ito dahil madalas ko rin itong marinig na binibigkas ng aking Ama,
Lolo, Tito, at Lola. At dapat lahat ng kawani ng gobyerno ay isinasapuso ito.
Napakaraming
ospital dito sa Pilipinas. Pero, lahat ba sila nakapagbibigay ng kalinga sa
kanilang pasyente? Bakit kapag mayaman kahit hindi pa naman ganoon kalubha ang
sakit eh sa mas maayos na kwarto dinadala? Bakit oras-oras inaalagaan? Bakit
kapag mahihirap kailangan pang pag-intayin ng ilang araw, linggo, minsan pa nga
buwan bago gamutin.
Kuha ng may-akda |
Dito
sa Pilipinas, marami ang mga pampubliko at pribadong ospital. Ngunit ospital
nga sila pero hindi sila pare-parehas ng trato. Kung ako ang tatanungin lubhang
nakakalungkot ang mga nangyayari sa ospital dito sa Pilipinas. Dahil,
napakaraming tao ang hindi nakakaranas ng tamang pag-aalaga at hindi rin lahat
ng tao ay nagagamot sa mga ospital. Sa aking palagay, dito sa Pilipinas,
maraming tao ang pupwedeng mamatay kada segundo dahil sa bulok na sistema ng
mga ospital dito sa Pilipinas at hindi iyon tama para sa akin. Dapat kahit wala
kang pera pambayad sa ospital, kailangan kang gamutin. Pero hindi eh, marami pa
rin ang mga taong hindi inaasikaso sa ospital. Dito sa Pilipinas, kapag ang mga
matataas o popular na tao ang nagkakasakit ang mga doktor at nurse ay todo
asikaso sa kanila dahil marami silang pera pambayad. Pero kapag sa mga
pampublikong ospital ka, sa kwarto hindi lang kayo iisa, minsan pa nga ay
umaabot ng sampung tao kada kwarto. Ang mga cr, napakadumi. At madalas kulang
sa mga doktor at nurse aya naman maraming namamatay at ang iba rin ay walang
sapat na supply ng gamut kung kaya naman ang ilan sa kanila ay napipilitan na
bumili na lamang sa mga drugstore malapit sa ospital. May mga ospital rin na
akala mo may pila ng libreng bigas sa sobrang haba dahil nga sa kakulangan ng
mga nurse at iba pang opisyal ng mga ospital.
“Ang pera, napapalitan. Ang buhay,
hindi.”
Programang Inilaan para sa kahalagahan ng kalusugan
ni Patricia Erika B. Bagacay
Pangangalaga
sa ating kalusugan ang isa sa pinakamahalagang layunin ng bawat isa sa atin
mapakaraniwang tao man o nakakaangat sa pamumuhay. Kalusugan din ang isa sa
problemang kinakaharap ng ating bansa dahil may mga taong namamatay ng hindi
nakakapagamot o nakakapag patingin ng kanilang karamdaman kaya't doble kayod
ang pagtugon ng ating pamahalaan sa mga suliraning may kinalaman sa kalusugan.
Ayon sa aking nabasang artikulo may mga inilaan na ibat ibang serbisyong
pangkalusugan ang ating pamahalaan para sa mga nangangailangan namaski ang mga
nasa pinakalib lib na lugar ay matiyak na maabutan ng tulong na inihanda ng
pamahalaan para sa mga mamamayan upang maipadala sa mga pagamutan na mayroong
sapat na mga tauhang tutugon sa mga pangangailangan ng mga may karamdaman. Sinasabi ring may programa silang tinatawag na
"Doctors to the barrios" na nagtatalaga ng mga manggagamot sa mga
mahihirap na pook isa itong magandang hakbang upang makapagpatingin sila ng
libre at mabigyan ng panandaliang lunas ang kanilang karamdaman dahil alam
naman nating karaniwang kulang ang mga manggagamot at mga kailangang gamot sa
mga malalayong lugar o pook sa ating bansa. Isinagawa din ng ating pamahalaan
ang mga pag papatayo ng mga Health Center sa bawat barangay sa ibat ibang lugar
sa ating bansa upang makatulong ito sa mamayan ng bawat barangay na nasasakupan
na may kalayuan sakanila ang ospital.
https://encrypted-tbn2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcR4HMlxT0IhEY9Q0RIb7udO-SaC7zuBU7XOQJWZ7HFnsAk8vXHaUA-5mOGi |
May mga mahihirap na Pilipino ang namamatay ng
hindi man lang nakakapagpakonsulta sa doktor dahil sa kahirapan ng buhay kaya't
ayon sa aking nabasang artikulo na nagsasabing umabot na sa mahigit 5M na
Pilipino ang nakikinabang sa Tinatawag na Philippine Health Insurance Program
ng Ating pamahalaan. Ang Philhealth ang isang serbisyong pangkalusugan na
inilaan sa atin ng pamahalaan ngunit nakatala din sa aking nabasa na hindi
halos lahat ay miyembro ng Philhealth kaya't may mga tao pading kinakapos sa
pagpapagamot na hindi kayang magpaospital man lang pero sa tulong ng Philhealth
na ito ay nakapagpapagamot at nabibigyan na ng libreng gamot ang ating mga
kababayan na nangangailangan sa mga ospital.
Sa
aking opinyon ang mga programang ito na isinasagawa ng ating pamahalaan na para
sa ating kalusugan na inilalaan ng pamahalaan ay inaasahang may mas marami pang
matutulungan na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino upang may
pagkakataon tayong mamuhay ng mas matagal at maging malusog upang makaiwas sa
ibat ibang sakit na lumalaganap sa ating bansa.
Health Service Serbisyo pa ba o negosyo na ang umiiral sa mga ospital ngayon? Pasyente pa ba o pera ang tingin nila sa mga taong nangangailangan ngayon? Serbisyong pangkalusugan, serbisyong dapat sana’y laging binibigyang pansin, inuuna, at pinag-aaralan. Tungkulin nila’y gumamot ng mga may karamdaman ngunit karamihan ay natatakot nang magpunta sa mga ospital di dahil sa kawalan ng tiwala bagkus dahil sa takot sa kakaharaping bayarin.
Totoong Serbisyo
ni Charmaine Joyce BechaydaHealth Service Serbisyo pa ba o negosyo na ang umiiral sa mga ospital ngayon? Pasyente pa ba o pera ang tingin nila sa mga taong nangangailangan ngayon? Serbisyong pangkalusugan, serbisyong dapat sana’y laging binibigyang pansin, inuuna, at pinag-aaralan. Tungkulin nila’y gumamot ng mga may karamdaman ngunit karamihan ay natatakot nang magpunta sa mga ospital di dahil sa kawalan ng tiwala bagkus dahil sa takot sa kakaharaping bayarin.
Pangarap ko noo’y maging isang ganap
na doktor, dahil sa kagustuhan kong tumulong sa mga nangangailangan ngunit
paglipas ng panahon nabuksan ang isipan ko sa madilim na katotohan sa larangan
na ito. Napaisip ako kung bakit inuunang asikasuhin ang mga dapat bayaran kesa
sa sumagip ng buhay. Isa sa pinakamadilim na pangyayari sa amin ay nang
makabangga kami ng pulubi habang kami’y bumabiyahe papuntang Bicol. Sa
kagustuhan naming masagip ang buhay ng pulubi ay agad naming siyang isinugod sa
isang private hospital. Nang madala siya sa Emergency Room kaagad tinanong ng
mga nurse ang magulang ko ng mga personal info patungkol sa pulubi, kagaya ng
pangalan, edad, lugar kung saan nakatira, at marami pang iba dahil sa wala
kaming kaugnayan sa pulubi ay walang masagot ang aking mga magulang. Di nag
tagal lumabas ang doktor at sinabi niyang wag na ipagpatuloy ang pag sagip
dahil kung sakaling mabuhay man siya ay reponsibilidad pa raw naming ito,
ngunit pinilit ng daddy ko na ipaglaban ang pagsalba ng buhay ng pulubi.
Makalipas ang isang oras idiniklara ng doctor na patay na ang pulubi at ayon sa
autopsy isang sugat lamang sa paa ang natamo ng pulubi mula sa pagkakabangga at
lumalabas na namatay ang pulubi nang dahil sa kapabayaang ginawa sa ospital.
Ang dapat sana’y gumagawa ng paraan upang mapahaba ang buhay ang siyang nag
sabi sa amin na huwag nang ipagpatuloy. Sa panahon ngayon, tila nawawala na ang
tunay na tungkuling ng mga doktor. Karamihan sa kanila ay gumagamot dahil sa
perang matatamo at di dahil sa gusto nitong mapaayos ang kalusugan nito. Kung
mapapansin sa bill namakukuha sa ospital ang professional fee nila ang
pinakamataas na dapat sana’y mababa upang mabigyan ng tulong ang pasyente. Ang
serbisyo ay may kaakibit na sakripisyo, dapat ang kapakanan and inuuna hindi
ang bulsa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento