Panlipunang Kilusan para sa Pagbabago ng Lipunan
#WalkOutPH: Ang Pagkakaisa ng mga
Kabataan ng Pilipinas
ni Jade Amber Abog
“We studied, we fought, and we killed
for a notion of a nation we know get to build.”
Ang mga estudyante na galing sa iba’t-ibang
institusyon ng pag-aaral ay sumapi sa Walk Out noong ika-23 ng Pebrero, at
nakiisa sa mga protesta sa buong bansa. Ayon sa Manila Police District na hindi
bababa sa 200 na protestante ay nakiisa sa isinagawang Walk Out na may mga
placard at mga banner na nagpapahiwatig ng kanilang pagkamuhi sa hindi
pagkakapantay-pantay at ang kakulangan ng karapatan, kalayaan, at demokrasya.
Ang Walk Out ay nagsimula noong Biyernes ng hapon, mula sa mga mga akademikong
indibidwal na nagmamartsa sa Morayta papuntang Mendiola, Manila at ang
pagkasapi nila sa protesta gamit ang makabagong teknolohiya, gamit ang hashtag
na #WalkOutPH.
Ang
kilusan na ito ay nagpapahiwatig ng mga pagkukulang ng mga Pilipino sa bansa
upang gumanda ang kinabukasan nito ngunit sa pagproprotesta nila ay nakikita na
mayroon rin silang mga bagay na walang humpay na binalewala katulad ng pahayag
ng mga “tunay” na nangangailangan at ang kanilang pag-aaral. Makikita sa
parehong paraan na sila’y may mga problema na inaasahang malutas sa
pagpapadagdag sa trapiko na isa sa mga malalaking problema ng bansa at sa
pakikipag-“bakbakan” sa mga pulis na nagtratrabaho at nagsisilbi sa mga tao
habang silang mga ralista ay naghanda at tumigil ng isang araw sapagkat mayroon
silang mga gawain na mas maituturing na mas mahalaga kaysa sa pagsasayang ng kanilang
oras at ng sa iba. Maraming mga suliranin ng bansa ang kanilang ipinahiwatig sa
kanilang pagprotesta tulad ng pagpapatanggal ng posisyon sa pamahalaan ang
kasalukuyang presidente na si President Rodrigo Duterte, ang pagpapalaganap ng
pagpapahalaga ng mga kababaihan, ang pagpapasaayos ng mga kagamitang
pangtransportasyon, at ang pagpapatupad ng Jeepney Phase Out, Libreng
Edukasyon, at iba pa. Kung titignan ito sa ibang pananaw, masasabi na sila ay
mga taong mali ang prinaprayoridad dahil sa kanilang pag-una ng paglaban sa mga
taong namamahala na kinalimutan nila na ang pag-aaral ay isang pribilehiyo na
hindi nakakmit ng lahat ngunit ito’y binabalewala nila.
Sa
kanilang ginagawa upang makamit ang inaasam na pagbabago sa bansang Pilipinas,
nagmumukhang mapanuya o ironic sa lahat ng angulo na pagtitignan ang kanilang
pagtrato o paglutas ng mga problema ng bansa, nagpapakita ng magagandang
intensyon sa maling pamamaraan. Kung pagbabago lamang ang gustong makamit,
maraming paraan ang magagawa para maipahayag ang kanilang mga saloobin tungkol
sa mga isyung panlipunan at mga suliranin ng mundo katulad ng pagsagawa ng mga
artikulo at pagtatag ng mga kampanya at kilusan na hindi sumasabak sa mga
protesta.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento