Istraktura ng mga Pamilya sa Pilipinas
Kapit-bisig
ni Angel Ann M. Abanto
Isa.
Indibidwal lamang tayo nang isilang sa mundo. Kaagapay ang pamilya natin na
siyang umaruga at unang humubog sa pagkatao natin. Dalawa. Magsisimula tayong
makakilala ng mga taong magiging kaagapay din natin. Kaibigan, kasintahan
hanggang sa mauwi sa kasalan. Tatlo. Darating tayo sa punto na magsisimula ng
sarili nating mga pamilya, kung saan walang kasiguraduhan kung ano ang magiging
istraktura. Apat, lima, anim, pito maski humigit pa. Maaari ring huwag kang
humiwalay kapag bumuo ng sariling pamilya, magsasama-sama ang lahat at magiging
isang malaking pamilya.
Bukod
sa napakaraming uri ng pamilya, mayroong dalawa na pinakakilala. Ito ang
nuclear, binubuo ng magulang at mga anak lamang at extended na uri kung saan
maaaring kasama ninyo ang iyong mga lolo,lola,tita at tito. Ayon sa pag-aaral
ng World Family Map noong 2015, ang nuclear na uri ng pamilya talaga ang mayroon
sa buong Asya at Middle East. Sa pag-aaral naman ng Philippine Statistics
Authority, may humigit kumulang 2.2 million na Overseas Filipino Workers (OFWs)
sa iba't ibang parte ng mundo. Ibig sabihin ay ganoon din karami ang nasa
ganoong uri ng pamilya.
Ang
aking ina isang OFW at kami rin ay isang extended na uri ng pamilya. Ayon sa
aking nabasa mula sa www.Lorecentral.com, maraming positibong epekto sa
kabataan ang isang extended na uri ng pamilya. Nasabi kong totoo ang mga ito
noong nabasa ko kaya naman ilalathala ko rito ang kaalaman na nadiskubre ko.
Ang mga nakapaloob daw sa isang extended na uri ng pamilya ay madalas na hindi
nakararanas ng pakiramdam na mag-isa, mahusay makipagkapwa tao, matulungin at
higit sa lahat, nakatitipid daw ang pamilyang ito dahil nakahiwa-hiwalay ang
mga gastusin. Sa kabilang banda, ang
negatibong epekto naman nito ay maraming gastusin, maaaring wala masyadong
kontrol sa mga bata at mapadalas ang mga pagkakaroon ng argumento.
"Masaya ang pamilya basta't sama-sama." |
Sa
pagkakaroon naman ng OFW sa pamilya, naranasan ko ang magsulat ng liham upang
makausap lamang ang aking ina. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas
naging madali ang pagkikita namin lalo pa't nasa malayo siya. Hindi madali para
sa lahat ang magkaroon ng ganitong uri ng pamilya at kailangan na malalakas ang
loob na labanan ang lungkot na kaakibat ng pagkakawalay sa isa't isa.
"Masaya ang pamilya basta't may pagmamahal sa puso ng bawat isa." |
Maaari
ring matalakay ang paglaganap ngayon ng mga tinatawag nating "Single
mother o father" kung saan isa lamang ang magulang na umaalalay sa mga
anak. Sa kasalukuyang panahon din ipinaglalaban na ang pagpasa sa
"Divorce" kung saan mapapawalang bisa ang kasal ng mag-asawa. Hindi
ito suportado ng simbahan ngunit suportado ng mga tao. Ang pinakadahilan nito,
paano raw kung nagkakasakitan na ang mag-asawa at hindi lamang makahiwalay ang
isa dahil nga sa kasal sila. Para naman sa mga hindi suporta, sagrado ang kasal
at hindi kailanman dapat maghiwalay ang mga mag-asawa.
Kung
ako ang tatanungin, sang-ayon ako dahil ang payo ng mga nakatatanda sa akin ay
kilalaning mabuti ang isang tao na napapalapit sayo ngunit kahit asawa mo na
siya, hindi mo pa rin siya kilala nang lubos. Maaaring kapag sobrang nagalit
pala siya ay masaktan ka ng pisikal at kapag nangyari ito ay nararapat lamang
nga na kayo ay maghiwalay na at hindi na hintaying maulit pa ito muli.
Pamilya
ang lakas at kahinaan ng mga Pilipino. Handa nating gawin ang lahat para sa
kanila. Ano mang uri ng pamilya mayroon ang isa tao, ito ay pamilya pa ring
matatawag depende sa interpretasyon mo sa isang tunay na pamilya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento