Ekonomiya ng Pilipinas
Uunlad ang Bayan Ko, Hindi Susuko ni Angel Ann M. Abanto Tumataas ang porsyento ng Gross Development Product o ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Ayon sa National Economic Development Authority, tumaas ng 6.5% ang GDP sa ikalawang bahagi ng taong 2017. Ito ang nag-udyok upang mapabilang tayo sa mga bansang mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya sa Asya. Sa pamamagitan ng investments sa mga imprastraktura at social protection hinahangad ng bansa ang pagkakaroon ng tiyak na maayos na pamumuhay ng mga Pilipino. www.google.com/search?q=ekonomiya+animated&source=&biw=1366&bih=650&dpr=1 Ito ang mga uri ng balita na hinahangad ko marinig sa araw-araw. Ito ang balitang hindi nabibigyan atensyon dahil natatabunan ng mga balita tungkol sa mga napatay at namatay. Hindi naman ito kadalasang nabibigyang-pansin.