Ebolusyon ng Kulturang Pilipino


Pagbabago o Nagbabago?
ni Angel Ann M. Abanto

                Ang Pilipinas ay nasakop na ng tatlong bansa simula pa noon. Ito ang dahilan kung bakit marami tayong hiram na kultura, salita, pagkain, anyo at marami pang iba. Ang mga tao sa karaniwang panahon ay humihiling ng pagbabago. Ika nga ng mga kapwa natin Pilipino, "#ChangeIsComing". Hindi ba't may kasabihan din na walang permanente sa mundo bukod sa pagbabago? Hindi mo ba nahahalata? May pagbabago na noon pa. Marami na ang nagbago. Maski ikaw ay nagbago na.

                Si Jose Rizal ang pambansang bayani, Sampaguita ang pambansang bulaklak, Agila ang pambansang ibon, Bangus naman ang pambansang isda. Ilan lamang ito sa mga bagay na itinuturo na sa atin simula pagkabata pa lamang. "Po" at "Opo", pagmamano sa magulang, sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan, pagsusuot ng mga kasuotang hindi makikitaan ng anumang parte ng katawan maliban na lamang sa mukha, kamay at paa. Pamilya ang pangunahing prayoridad ng bawat Pilipino. Ang mga bata ay naglalaro sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan, naliligo sa ulan, nagtatagu-taguan, nambuburot, nang-aasar, naglalaro ng pogs at kapag nagbinata't dalaga ay magliligawan. Manghaharana ang lalaki sa babae, hindi maaaring maghawak ng kamay hanggat hindi pa magkasintahan at hindi ito hadlang sa kanilang pinagtitibay na relasyon dahil sapat na ang matatamis na salita at gawa, samahan pa ng mga liham mula sa pusong umiibig. Sagrado ang kasal at ang ganap na pag-iisang dibdib ng magkasintahan ay magaganap lamang pagkatapos ng kasal at sikretong hiling ko na sana ay namuhay ako sa mundong ito, buhay pa kasi ang mga lolo at lola ngayon na patunay sa "forever".  Kapag sumagot nang pabalang sa magulang ay may palo sa likuran, gamit ang tsinelas, walis, hanger, palad at kung ano pa mang gamit sa bahay. Wikang Tagalog ang tinatangkilik at hindi ibang lenggwahe. Sandali, siguro ay mukhang gumagawa ako ng hindi makatotohanang artikulo dahil sa mga pinagsasabi ko. Ito ang kulturang pinoy, noon.

https://www.google.com.ph/search?q=kultura+noon&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi9pIKV4vPZAhWGGpQKHZmUAzIQ_AUICigB&biw=1366&bih=650#imgrc=v_2lZPXTkEF-CM:&spf=1521303769152

https://www.google.com.ph/search?q=kultura+noon&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi9pIKV4vPZAhWGGpQKHZmUAzIQ_AUICigB&biw=1366&bih=650#imgrc=JAceglEb34-1EM:&spf=1521303769152

                Batid na ng nakararami na hindi opisyal na bayani si Jose Rizal, alam pa ba ng mga bata na Sampaguita ang pambansang bulaklak, Agila ang pambansang ibon at Bangus ang pambansang isda? Ang tanong ng mga kabataan ngayon ay hindi ba't "Tamad ba si Apolinario Mabini? Napanood ko sa pelikulang Heneral Luna na siya ay nakaupo lamang. Bakit hindi siya tumatayo?" Hindi na gusto ng mga kabataan ngayon na pinapakialaman pa sila sa kani-kanilang mga buhay. Ika nila, "Malaki na ako! Alam ko na ang mga gusto ko, alam ko na ang tama sa mali at hindi masamang impluwensiya ang mga kaibigan ko!" Lubos na rin ang pagiging mahiyain ng ibang kabataan. Hindi na sikat o uso ang pagmamano na tila ba ay laos na ngunit pati halik at yakap ay ipinagkakait na ng iba ngayon sa kanilang mga magulang na hapong-hapo sa maghapong pagtatrabaho.  Nakamamangha ang pagkakulang ng mga tela sa iba't ibang uri ng damit. Kamakailan lamang ay nauso ang "ripped jeans" at "short shorts", sabi ng isang lolo na nakatabi ko sa jeep, "Dati ay kapag may butas ang damit mo, nakakahiya. Ngayon, palakihan pa ng butas ang iba." Iba-iba na ang oras ng pagkain ng bawat pamilya, hindi siguro nila naabutan ang kasabihan na, "The family that eats together, stays together." Tila mapuputi na ang mga bata ngayon at hindi na amoy araw. Nasa loob ng mga bahay at hawak ang teknolohiyang gadyet na inaaliw sila habang sinisira ang kanilang mga mata. Kung awatin mo naman ay sumasagot nang pabalang at hindi na mapasunod sa pamamagitan ng palo man lang, "Child Abuse" at hindi na pagdidisiplina kaya mas lalong nagmamatigas ang mga ito. Kapag naman natitipuhan natin ang isa't isa, mag-M.U. na ang tawag sa ating dalawa. Ito ay yung "Mutual Understanding o More than friends but less than lovers" na pinanglalaban ng mga nasa kasalukuyang takot umibig. Pwede rin namang, "Gusto mo ako, gusto kita, tayo na." Uso na rin naman ngayon ang kabilugan ng tyan bago ang kabilugan ng buwan. Kapag hindi tayo nagkasundo pagkatapos ikasal ay maaari naman siguro tayong bumalik sa kanya-kanyang buhay o di kaya'y huwag na lamang magpakasal at magsama lamang sa iisang bubong.

https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=650&tbm=isch&sa=1&ei=H1OtWobZEcKt0ASbkYLQDA&q=away+pamilya+animated&oq=away+pamilya+animated&gs_l=psy-ab.3...86677.96853.0.97137.23.22.0.0.0.0.825.2746.0j2j3j1j0j1j1.8.0....0...1c.1.64.psy-ab..15.3.1692...0j0i67k1.0.Yrw8YoQSg4I#imgdii=JoKA9_uu2Q6F1M:&imgrc=CzbeWrHrx4OiBM:&spf=1521308546729
              Ito ang makabagong panahon. Ang mga lolo at lola na nagpapaturo sa paggamit ng teknolohiya ay kinaiinisan ng mga kabataan at itinuturing na istorbo. Lahat naman tayo ay tatanda. Darating ang araw na pag-aaralan na lamang din ang kultura ngayon kabilang ng mga lumipas ng kultura. Habang patuloy ang pag-ikot ng mundo, tayo ay nagbabago. Pati sa isip, salita at gawa, minsan siguro ay hindi mo nga lang nararamdaman ito. Kailangan mo imulat ang mga mata mo. Aniya ni Bob Ong, "Hindi alam ng mga nakakakita kung kailan sila bulag." Hanggang kailan ka hihingi ng pagbabago?
 
 
Yaman na Kinaiingatan
ni John David A. Bade
                Marami sa ating mga pilipino lalo na tayong mga kabataan, nakakalimutan kung saan tayo nagsimula. Maraming tumatalikod sa kung ano ang tunay na yaman na ating dapat iniingatan. May iilan na alam kung saan ito nagsimula ngunit mas nakakarami ang hindi. Ang ating kultura ang siyang dapat nating pinahahalagahan sapagkat ito ang nagsisilbing paalala kung saan tayo nagsimula kung ano ang nakasanayang gawin ng ating mga ninuno at higit sa lahat ito ang nagiging identidad ng mga pilipino, Ang kultura ay isang paraan kung paano natin malalaman o ng mga dayuhan kung paano tayo namumuhay noon, Kung paano o ano ang pinaniniwalaan ng ating mga ninuno o ang kanilang mga tradisyon.

Abagond.wordpress.com


Filipiknow.net
                      Ayon sa aking nabasa nagsimula ang lahat sa "Malanesian Era" mayroon silang tradisyon upang mabuhay at kultura. Kilala sila ngayon bilang isang negrito o aeta, Sumunod ay ang "Malay-Polynesian" mayroon silang tradisyon Sa pagkain,Sa pagsayaw at sa kanilang lengwahe, Sakanila din nagsimula ang pag-tattoo sa katawan. "Spanish Era" sa spanish era ngsimula ang pagsalubong sa mga kapistahan na ating nakasanayan, Sakanila din natin nakuha ang kakayahan natin tumugtog ng instrumento kabilang ang Gitara, Ukelele, Violin at ang Drums, Ang "American Era" sakanila nagsimula ang lengwahe ng ingles at ang "Modern Pop Culture" kahit na ang kanilang pananamit ang kanilang musika.

http://www.wikiwand.com/
                Sa aking opinyon ang kultura ng pilipino ay masyadong kumplikado marahil sa dami ng pinagsimulan o iba't ibang paraan ang kanilang pinapakita kung paano nila ito pinahahalagahan o sinusunod ang bawat tradisyon na mayroon sila.
 

Mga Komento

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Serbisyong Pangkalusugan

Iba't ibang relihiyon